THE IRONY OF EXCHANGE GIFTS

Give even if you only have a little – Buddah

Bakit di ako naniniwala sa Exchange Gifts by Lajon

  1. Unang una requirement siya kahit di mo gustong gawin. Dahil may christmas party, kasama na sa program ang walang kamatayang exchange gifts na ‘yan. Pinapatay niya diwa ng pasko na ang true meaning naman dapat ay “giving” kasi nag-e-expect ka ng kapalit sa taong nakabunot sayo. Pwede ka naman ‘di sumali, pero kill-joy ka naman, so sumali ka nalang.
christmas gifts
  1. Walang ka-sense-sense ang “wishlist”. So ano? Kasi baka di ka kakilala ng taong nakabunot sayo, takot ka baka regaluhan ka ng tae. Unang rason nila is “sayang kasi ang pera, baka di ko gusto makuha ko” masyado naman sigurista, pinapatay din niya yung excitement and surprise factor kasi alam mo na makukuha mo. Parang nag-utos ka lang, ito, ito dapat ko makuha, pag hindi malulungkot ako. Rename nalang natin ng “exchange tasks” kasi nagpalitan lang naman tayo ng favor, nagpagudan lang din tayo. Huwag ko na din ibalot, alam mo naman na ‘to eh. Kani-kaniyang bili nalang tayo ng gifts sa mga sarili natin sa susunod.
gift meme
  1. In addition to wishlist, Yung sa humihingi ng cash or GC huwag ka nalang sumali. pambawi lang naman to sa nagasta mo eh, balik pera lang, edi parang ganun lang din, walang nagbago sa value ng pagkatao mo, di nabawasan o nadagdagan, ni isang ngiwi or ngiti wala kang kinontribute sa activity.
gift meme
  1. Sobrang taas na presyo ng wishlist. Masyado na ba mahal ang gasolina para magtaas na tayo ng presyo? ‘Di naman ako napromote ah, bakit ang mahal na exchange gifts ngayon? Ang akala ng karamihan, mas exciting pag mas mahal pero ang totoo ito ang pumatay ng saya kasi andito na yung value ng pera. Compare mo yung group na may exchange gifts na worth 100 pesos at yung group na worth 1000 pesos. Yung 100 pesos dito ka makakatanggap na weird and odd gifts na mga kalokohan, naalala mo yung tae sa Blue Magic? Worth 100 lang yun! At kung batang 90’s ka nakatanggap ka sigurado nun! Yung mga bimpo ng bench hanggang sa mga tasa at kaldero, panyo at kung anu-ano pa dito mo lang makukuha. Ansaya di ba? Puro tawa maririnig mo mula simula hanggang huli. Pero dito sa worth 1k, nag abutan lang and pa smile smile, picture, post sa instagram tapos “thank you” sa dulo kasi sure-ball sila yung mga may wishlist! Kasi nga naman, 1000 pesos yan eh! Sayang! Kung mataas ang presyo, mataas din expectation. Ewan ko ah, pero parang di naman masaya.
christmas gitfs
Mga kakaibang panregalo mula sa Blue Magic

Since pasko naman, wag na kayo mag exchange gifts, gift giving nalang, nakapag pasaya ka pa kesa ikaw lang ang masaya! Merry Christmas!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *